Tuesday, February 1, 2011

ANG DALAWA KONG KAPATID

Ako ay may dalawang kapatid na puro babae. Ang pangalan nila ay Thresha at Elshajo. Noong bata pa kami binansagan kaming "TRES MARIAS" dahil sa puro kaming babae at walang kapatid na lalaki. Si Thresha sumunod sa akin at siya ay labinpitong taong gulang na. Tapos na siya sa sekundarya at sana mapag-aral na siya sa kolehiyo sa susunod na pasukan. Siya ay nakatira sa kamag-anak namin sa Baguio City.Si Elshajo naman ay bunso sa aming tatlo. Siya ay makulit at palaging wala sa bahay. Ang kanyang pangalan ay bigay ng aming pinakamamahal na ama. Kinuha niya ito sa pangalan ko at sa pangalan ni Thresha. Ang letrang El at jo sa pangalan ko at yong sha sa pangalan ni Thresha. Silang dalawa ay may biloy sa mukha at ako lang ang hindi nabiyayaan(ajajajaja).

No comments:

Post a Comment