Tuesday, February 1, 2011

ADAMS ILOCOS NORTE

Noong ikaapat ng Abril taong dalawampu't sampu, naranasan kung magbiyaheng mag-isa papuntang Ilocos Norte. Ayoko pa sanang bibiyahe noon kaya lang walang susundo sa'kin para may kasama akong pupunta sa Adams Ilocos Norte. Masama ang aking pakiramdam noon at kulang pa ang tulog ko dahil nakipista pa kasi ako sa amin. Sa loob ng malaking bus  ako ay nakatulog ng higit isang oras. Pagkatapos  hindi na ako ulit ako natulog dahil mas ginusto kung libagin ang aking sarili sa mga nadaraanan naming lugar o kaya'y munisipyo at mga tanawin. Hanggang sa marating namin ang terminal ng bus na sinakyan ko. Doon ako naghintay ng sundo ko pero hindi siya dumating. Kaya sumakay ako sa tricycle at nagpahatid sa terminal bus ng papunta sa Claveria. At doon na kami ngkita ng susundo sana sa akin na si Ate Josephine. Pagkatapos ng tatlumpung minuto nagbiyahe na ang bus. Nalibang ako sa mga tanawin na noon ko lang makita. At mahigit ng dalawang oras narating namin ang Pancian, Pagudpud Ilocos Norte. doon na kami bumaba at naghintay ng masakyan papuntang Adams Ilocos Norte. Narating namin ang Adams nang bandang alas singko ng hapon. Pagod man ako sa biyahe pero nabusog naman ang mga mata ko sa mga tanawing noon ko lang nakita.At nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal dahil sa kanyang gabay na nakarating kami ng maayos. Doon ako nagpalipas ng bakasyon tuloy nagtrabaho na rin para may pantustus sa aking pag-aaral.

No comments:

Post a Comment