Tuesday, February 1, 2011
ILOG AMBURAYAN (KARAYAN DAKKEL)
Ang larawan na ito ay isang parte ng Ilog Amburayan. Kung saan makikita sa pagitan ng barrangay Bulalaan at munisipyo ng Sugpon Ilocos Sur. Ang mga naliligo na nasa larawan ay mga magkabarkada na. Paboritong paliguan ng mga bakasyunista at mga tao sa Duplas at Bulalaan. Ito ay Pwedeng lakarin at pwede ring sumakay ng jeep. Malinis at malinaw ang tubig kaya masarap ang maligo. malamig ang tubig at malilit na bato ang matatatpakan kapag lumusong sa ka sa tubig. maraming pupumunta kapag tag-araw o kaya'y bakasyun. paborito rin naming puntahan kapag tapos na ang pista namin. Doon kami maaluluto, kakain at magkwekwentuhan kasama ang aming kapamilya o kaya'y kabarkada. At pagkatapos maliligo kami sa malinis na tubig. May mga nalulunod rin pero karamihan ay mga baguhan o kaya'y dayo lang. Pero marami paring pumupunta at doble ang pag-iingat nila.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment