Wednesday, February 2, 2011

PAGLALARO NG BADMINTON


Karaniwan sa mga bata ay mahilig maglaro. Sa bahay man, sa paaralan, o sa kalsada. Nooong bata rin ako ay mahilig din akong maglaro tulad ng bahay-bahayan, salaginto at iba pa. Kasali rin dito ang paglalaro ko ng badminton. Una akong nakahawak ng raketa noong nasa ikatlong baitang ako ng elementarya. Ito ay bigay ng tiyuhin namin para sa aming magkakapatid. Gawa ito sa kahoy at ang malimit kung kalaro noon ay ang aking mga nakakatandang pinsan o kayay ang kapatid kung sumunod sa akin.Kadalasan ay sa bakuran ng bahay namin kami naglalaro o sa bahay ng mga pinsan ko. Kung walang pasok lang kami nakapaglalaro ng badminton dahil pare-parehas kaming nag-aaral.At nang masira ang ang aming raketa ay hindi na ulit kami nakalaro.Noong nasa ikaanim na baitang na kami ay isa ako sa napili na maglalaro para sa pandalawahang laro sa badminton. Isa kung kaibigan ang nakasama ko noon. Hindi man kami nanalo noon pero binigay o binuhus naman namin ang aming kakayahan para sa ngalan ng paaralan namin.

No comments:

Post a Comment